At para naman sa ex ko na iniwan ako sa mga oras na sobrang kelangan ko siya, gusto ko lang sabihin sayo na may mga pagkakataon nga na nagiging immature ako, aminado naman ako dun eh. Sinabi ko naman yun simula pa lang. Sana hindi mo ko iniwan dahil lang sa naiinis ako sayo at hindi kita kinakausap dahil alam mo naman sa sarili mo kung bat tayo umabot sa ganon. Sana may mas malalim ka pang dahilan. Ilang beses mo na din akong minura dahil galit ka pero ako kahit alam mong palagi akong nagmumura, hindi ko ginawa sayo yun. At sana, hindi mo pinalabas dun sa kaisa-isang tao na nakakaalam na naging tayo na ako yung may kasalanan. Na ako yung may mali sa lahat. Hindi ko to sinasabi dahil may nararamdaman pa ko sayo at nasasaktan pa ko. Sinasabi ko to dahil lasing ako. Hahaha. Tapos na din yung 3-month rule. Pwede ka nang lumandi pero alam ko namang hindi pa man natatapos yung rule na yun, lumandi ka na :)

To be honest, nag-eenjoy ako sa kung anumang nangyayari sa buhay ko ngayon. Puro inom, walwal, bisyo, laro ng LoL, ganon. Tumigil ako sa pag-aaral dahil hindi ko na talaga naeenjoy yung course ko. Alam ko na kaya ko naman pero hindi ko na talaga gusto. Kaya tumigil muna ako ngayon sem. Alam kong ang daming masasayang pero mas madaming masasayang kung ipagpapatuloy ko pa yun. Mas lalo ko lang pahihirapan ang sarili ko sa pagpili ng profession na hindi ko naman talaga ginusto.
Few days from now, magsisimula na ko sa job na papasukan ko. (Bugaw talaga ko de joke lang) Siguro, mas magiging responsable ako at mas matututo ako kung paano talaga mabuhay. Alam kong hindi maayos yung lagay ng relasyon ng nanay at tatay ko at anytime soon alam kong madaming magbabago. Hindi ko iniisip na magiging mahirap tong papasukin ko pero alam ko sa sarili ko na makakabuti na din ‘to saken. Para naman hindi lang ako maging tambay sa bahay habang naghihintay sa susunod na pasukan. Balak ko nga palang magmultimedia pag natapos na yung contract ko sa job ko. Yun naman talaag yung gusto ko eh. At natutuwa din ako na sinusuportahan ako ng mga kaibigan ko talaga sa kung anong gusto kong mangyari sa buhay ko.
Pero sa ngayon, kahit na may trabaho nako, at kahit 19 pa lang ako, eenjoyin ko na lang kung anong nangyayari at mangyayari pa saken.